Ex-Sec. Garin, iginiit na walang anomalya sa health stations project
Hugas-kamay si dating Health Secretary Janette Garin sa hindi pagkakatuloy ng inumpisahan nilang Barangay Health Stations project.
Paliwanag ni Garin bago ang pagdinig ng Senate Committee on Health ukol sa proyekto, dalawang taon na siyang wala sa puwesto.
Aniya, ang contractor ng pagpapatayo ng may 5,700 health stations ang dapat na habulin at hindi siya.
Ang proyekto ay pinaglaanan ng P8.2 bilyong pondo.
Pagdidiin pa ni Garin, dumaan sa bidding process ang proyekto sabay giit na hindi siya nakialam sa proseso.
Nabunyag na sa bilang na dapat itatayong health stations sa ilang barangay sa bansa, 270 lang ang naipatayo at walo lang sa mga ito ang may dokumento.
Dagdag pa ni Garin, haharapin niya ang lahat ng mga sinasabing anomalya sa Department of Health (DOH) na idinidikit sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.