Pagkubkob ng BIFF sa Datu Paglas sa Maguindanao napigilan | DZIQ Radyo Inquirer 990AM

Pagkubkob ng BIFF sa Datu Paglas sa Maguindanao napigilan

By Dona Dominguez_Cargullo July 04, 2018 - 10:40 AM

Napigilan ng militar ang tangkang pagkubkob ng militar sa isang lugar sa Datu Piglas sa Maguindanao.

Tinangka umano ng IS-inspired terrorist group na kubkubin ang munisipyo ng Datu Piglas noong Martes.

Agad nagsagawa ng pinagsanib pwersang operasyon ang 33rd Infantry Battalion, ang 1st Mechanized Infantry Battalion, at 4th Special Action Battalion at inatake ang inokupahang pwesto ng BIFF na pinamumunuan ni Sulaiman Tudon.

Kabilang din sa inokupahan ng mga rebelde ang ilang mga bahay 500-metro ang layo mula sa munisipyo.

Gamit ang mga armored vehicles at infantry mortars tumagal ng 9 na oras ang operasyon.

Ayon kay Lt. Col. Harold M Cabunoc, ng 33rd IB, tatlong improvised bombs ang nakuha nila sa lugar.

Tatlong sundalo ang bahagyang nasugatan matapos magtamo ng tama ng shrapnel at bala na kinilalang sina Cpl. Millard Bacatan at Private Allan Cabildo ng 33rd IB, at ang militiaman na si Musa Kalim.

TAGS: 33rd IB, BIFF, Datu Paglas, IS-inspired terrorist group, Lt. Col. Harold M Cabunoc, Maguindana, 33rd IB, BIFF, Datu Paglas, IS-inspired terrorist group, Lt. Col. Harold M Cabunoc, Maguindana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.