Ipinagutos ng National Justice Court ng Ecuador ang preventive detention sa dating Pangulo ng Ecuador na si Rafael Correa.
Inabisuhan na ang korte ang interpol ang paghuli at pagdeport kay Correa.
Nilabag umano ni Correa ang utos ng hukom na iharap ang sarili sa mga korte sa Ecuador tuwing ikalawang linggo kaugnay sa kasong kidnapping ng isang mambabatas na taga-oposisyon na si Fernando Balda noong 2012.
Kasalukuyang nakatira sa Belgium si Correa.
Imbes na sa mga korte sa Ecuador iharap ang sarili ay sa Ecuadorean consulate sa Belgium siya nagtungo kung saan siya nakatira.
Nag-tweet si Correa at sinabing nilabag ng hukom ang mandato ng National Assembly kaugnay sa ipinalabas na preventive detention laban sa kanyan ng walang inilalabas na ebidensya.
” “How much success will this farce have at the international level?” ” Don’t worry, everything is a matter of time. We will overcome!” ayon kay Correa.
Ayon naman sa abogado ni Correa, maghahain sila ng apela sa desisyon ng hukom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.