LPA na nasa labas ng bansa ganap nang isang bagyo

By Rhommel Balasbas July 04, 2018 - 06:37 AM

Namuo na bilang isang bagyo ang isang sama ng panahon sa labas ng bansa.

Sa 4am weather forecast ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Depression sa layong 2,300 kilometro, Silangan ng Visayas.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro kada oras.

Kumikilos ito pa Hilaga-Hilagang-Kanluran sa bilis na 10 kilometro at inaasahang papasok sa northeastern boundary ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa huling bahagi ng linggo ngunit inaasahang ding lalabas din agad sa kaparehong araw.

Ayon pa sa PAGASA, hindi ito tatama sa anumang kalupaan ng bansa ngunit pag-iibayuhin nito ang hanging Habagat sa weekend.

Ngayong araw, patuloy na makakaapekto ang Habagat sa eastern section ng Luzon Visayas.

Maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Mindoro, Palawan at eastern Visayas.

Sa nalalabing bahagi naman ng bansa kabilang na ang Metro Manila, inaasahan na magiging mainit at maalinsangan ang panahon ngayong araw na may posibilidad lamang ng pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.