Pilipinas pangungunahan ng 335 delegado sa 18th Asian Games
Bubuoin ng 335 atleta, coach at mga opisyal ang delegasyon ng Pilipinas para sa 18th Asian Games na magaganap sa Indonesia.
Ayon sa Philippine Olympic Committee 272 sa naturang bilang ang lalaban sa 31 sports na kabibilangan ng nag-iisang Filipino gold medalist sa 2014 Asian Games sa South Korea na si Daniel Caluag.
Idedepensa ni Caluag ang kanyang titulo habang inaasahan ding magpapalakas sa delegasyon ang Gilas Pilipinas men’s basketball team at dragon boat teams ng bansa.
Maging si Olympic silver medalist Hidilyn Diaz ay magpapasiklab muli sa larangan ng weightlifting.
Magaganap ang Asian Games na lalahukan ng 45 bansa sa August 18 hanggang September 2 sa Jakarta at Palembang, Indonesia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.