Aabot na sa 109 square miles o 290 square kilometers ang tinutupok ng nagpapatuloy na wildfire sa Northern California.
Ayon kay California Department of Forestry and Fire Protection spokesman Anthony Brown, nasa 2,500 katao na ang pinalilikas dahil inaasahang lalaki pa ang pagliliyab.
Dahil sa sunog, nanganganib na rin ang nasa 900 establisyimento dahil sa makapal na usok at abo na naaabot nito na kayang makarating hanggang sa katimugan ng San Francisco.
Ayon pa kay Brown, higit 2,000 bumbero sa himpapawid at sa lupa ang pinipilit na apulahin ang apoy.
Pinag-iingat din ang publiko sa paggamit ng fireworks ngayong holiday, July 4.
Higit 100 bahay na rin ang nasira ng sunog sa Timog-Kanluran ng Denver kung saan hindi pa matiyak ang halaga ng natupok na inaasahan pang lumaki.
Samantala, aabot na sa 2.5 milyong ektarya ng lupain ang natupok ng mga wildfires sa buong kapuluan ng Estados Unidos mula noong Enero na mas mataas sa average na 2.3 milyong ektarya sa kaparehong panahon sa nakalipas na sampung taon ayon sa National Interagency Fire Center.