SBP sinabing walang lugar ang karahasan sa palakasan
Humingi ng paumanhin ang Samahang Basketbol ng Pilipinas dahil sa rambol na naganap sa laro ng Gilas Pilipinas at Australia sa Philippine Arena.
Sa isang pahayag ay sinabi ni SBP President Al Panlilio na humihingi sila ng paumanhin sa Filipino basketball fans at sa basketball community dahil sa gulo.
Bilang host aniya ay nakakalungkot na hindi naipakita sa laro ang tradisyunal na ugali ng mga Pinoy na pagiging hospitable.
Nanindigan ang SBP na walang puwang ang karahasan o gulo sa larangan ng palakasan.
Pag-aaralan ng SBP ang insidente at hihintayin ang desisyon ng FIBA kaugnay sa posibleng sanction o disciplinary action.
Dahil sa rambol ay siyam na players ng Gilas ang natanggal sa laro habang apat naman ang sa Australia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.