Dalawang persons of interest tinitingnan sa pamamaslang kay Mayor Halili

By Erwiin Aguilon July 04, 2018 - 12:00 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Mayroon nang persons of interest ang Special Investigation Task Group Halili sa ginawang pamamaslang kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kay CALABARZON Regional Police Director Chief Superintendent Edward Carranza, mayroon silang dalawang persons of interest habang ang ikatlo ay kinikilala pa.

Ang lahat mga ito aniya ay may kaugnayan sa droga.

Mayroon na rin aniya silang ibang tinitingnang anggulo sa krimen kabilang ang pulitika.

Gayunman, tumanggi na si Carranza na idetalye pa ang kanilang inisyal na imbestigasyon.

Samantala, bala ng 5.57mm na gumagamit ng M16 o M14 armalite rifle ang tumama kay Halili.

Iginiit naman ng opisyal na kahit ordinaryong tao na marunong gumamit ng baril ang maaaring bumaril dito.

Sa resulta ng autopsy sa labi nito, tumama ang bala sa kaliwang bahagi ng dibdib at dumeretso sa kanyang atay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.