Plebesito para sa bagong konstitusyon dapat gawing hiwalay sa midterm elections

Mabuting magsagawa ng plebisito para sa bagong konstitusyon sa kalagitnaan ng 2019 pero dapat na hiwalay ito sa mid-term elections sa susunod na taon.

Ayon kay dating Chief Justice Reynato Puno, chairman ng Consultative Committee (Con-com) na binuo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa panukalang amyenda sa 1987 Constitution, naniniwala siya na dapat gawin ang plebisito sa kalagitnaan ng susunod na taon para may sapat na panahon na maintindihan ang bagong Saligang Batas.

Pinakamainam na paraan aniya na iratipika ng mga tao ang konstitusyon na hiwalay sa ibang halalan para maka-focus ang publiko sa merito ng panukala.

Ang pahayag ni Puno ay kasunod ng pag-apruba ng Con-com sa final draft ng federal constitution.

Ilan sa porbisyon ng panukala ang pagbabawal sa political dynasties, panuntunan sa term extension at ang pagkakaroon ng federated regions.

Read more...