Malacañan tiniyak na bibigyang hustisya ang pamamaslang kay Mayor Bote
Tiniyak ng Malacañan na gagawin lahat ng gobyerno para mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Mayor Ferdinand Bote ng General Tinio, Nueva Ecija.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, iimbestigahan ng pamahalaan ang pinakahuling marahas na krimen.
Tinambangan si Bote isang araw matapos patayin si Tanauan, Batangas Mayor Tony Halili.
Dagdag ni Roque, kumpyansa sila na magsasagawa si PNP Chief Director General Oscar Albayalde ng patas at malawakang imbestigasyon at maaresto ang pumatay sa alkalde.
Nakiramay naman ang Palasyo sa naiwang pamilya ni Bote.
Nakunan sa CCTV ng National Irrigation Administration (NIA) sa Cabanatuan City na papalabas na ang sasakyan ni Bote nang lumapit ang isang naka-itim na damit na suspek at binaril ang bahagi ng sasakyan kung saan naroon ang Mayor.
Ang sasakyan ay nakuha pang maitawid ng driver na sugatan naman at dinala rin sa ospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.