Batas na nagdedeklara sa April 27 bilang ‘Lapu-Lapu day’ nilagdaan ng pangulo

By Rhommel Balasbas July 04, 2018 - 03:13 AM

Lumagda si Pangulong Rodrigo Duterte sa isang batas na nagdedeklara sa April 27 bilang ‘Lapu-Lapu Day’ bilang pagkilala sa sinasabing unang bayani ng bansa.

Nilagdaan ni Duterte ang Republic Act 11040 kung saan ang April 27 ay special working public holiday sa buong bansa habang special non-working holiday naman sa Lapu-Lapu City, Cebu.

Ang batas ay bilang paggunita sa tagumpay ni Lapu-Lapu at ng kanyang mga tauhan laban sa mga Espanyol na pinamumunuan ni Ferdinand Magellan sa makasaysayang ‘Battle of Mactan’ noong April 27, 1521.

Matatandang makailang beses na inihayag ng pangulo ang paghanga kay Lapu-Lapu.

Sa katunayan ay nilagdaan niya noong April 2017 ang Executive Order (EO) 17 kung saan ipinangalan ng presidente ang isang parangal sa bayani ang ‘Order of Lapu-Lapu’.

Ang ‘Order of Lapu-Lapu’ ay iginagawad sa mga indibidwal na may malaking kontribusyon sa gobyerno partikular sa kampanya kontra iligal na droga.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.