Pamamaslang kay Mayor Bote nagpapakita ng kawalan ng law and order sa bansa

By Justinne Punsalang July 04, 2018 - 02:09 AM

Mariing kinundena ni Senador Kiko Pangilinan ang pamamaslang sa alkalde ng General Tinio, Nueva Ecija na si Ferdinand Bote.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pangilinan na patunay ang naturang pananambang, maging ang pamamaslang kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili ay masakit na patunay sa pagkasira ng law and order sa bansa.

Ani Pangilinan, bagaman pangunahing plataporma ng administrasyong kasalukuyan ang paglaban sa kriminalidad ay dalawang taon sa loob ng panunungkulan ng pangulo ay makikita ang patuloy na pamamayagpag ng krimen, kurapsyon, at kaguluhan.

Inilarawan pa ni Pangilinan si Bote bilang mapagkumbaba, masipag, at isang mabuting public servant.

Matatandaang isang araw lamang matapos barilin sa kalagitnaan ng flag raising ceremony si Halili ay pinagbabaril naman si Bote habang sakay ng kanyang kotse.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.