Autopsy sa mga labi ni Mayor Ferdinand Bote sinimulan na

Kuha Erwin Aguilon

Dinala na sa RBM Funeral Homes sa Cabanatuan City ang labi ng pinaslang na si General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.

Dito isinasagawa ang autopsy sa bangkay nito.

Sa labas ng punerarya, naghihintay ang asawa, mga anak, kamag-anak at taga-suporta ni Bote.

Nakatakda namang iuwi sa kanilang bayan sa General Tinio ang pinaslang na alkalde ngayong umaga.

Habang palabas ng compound ng NIA Rd sa Cabanatuan City pinagbabaril ng tatlong suspek na sakay ng motorsiklo ang sinasakyang Toyota Fortuner ng alkalde.

Masuwerte namang hindi tinamaan ang driver bodyguard nito na nagsugod kay Bote sa katapat na ospital pero idineklara din itong patay.

Naka-recover ang pulisya ng 18 basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa pinangyarihan ng insidente.

Read more...