Mayor ng Gen. Tinio, Nueva Ecija patay sa ambush

By Alvin Barcelona, Den Macaranas July 03, 2018 - 06:24 PM

Patay si Gen. Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote makaraang paulanan ng bala ang sinasakyan niyang Sports Utility Vehicle sa Cabanatuan City.

Sa paunang imbestigasyon ng Philippine National Police, sinabi ni PNP Region 3 Director CSupt. Amador Corpuz na nangyari ang pananambang kaninang 5:30 ng hapon.

Galing umano ang alkalde sa tanggapan ng National Irrigation Administration sa Cabanatuan City at paglabas nito sa gate ay kaagad na niratrat ng nag-iisang suspek ang nasabing sasakyan.

Naitakbo pa sa kalapit na Gallego Hospital ang nasabing alkalde kung saan siya’y idineklarang dead-on-arrival.

Sinabi ni Corpuz na sugatan rin sa pananambang ang driver-bodyguard ni Bote.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon sa lugar ng krimen ang mga tauhan ng PNP.

Nangyari ang pagpatay kay Mayor Bote isang araw makaraang patayin si Tanauan City Mayor Antonio Halili habang na kalagitnaan ng flag raising ceremony sa kanilang city hall.

TAGS: ambush, ferdinand bote, general tinio, NIA, nueva ecija, ambush, ferdinand bote, general tinio, NIA, nueva ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.