Malacañang walang nakikitang problema sa panukalang amyenda sa Konstitusyon
Kumpiyansa ang Malacañang na bibigyan ng bigat ng mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara ang inaprubahang draft ng Consultative Committee na naatasang pag-aralan ang Saligang Batas para mabuo ang federal form of government.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilang Chairman ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban (PDP-Laban), hihikayatin ng pangulo ang kanyang mga kapartido na pag-aralan ang panukala ng Consultative Commission (Con-Com).
Umaasa rin aniya ang palasyo na kakatigan din ng Senado ang proposed revision ng nasabing lupon.
Gayunman, binigyang diin din naman ni Roque na ang mga mambabatas pa rin ang magdedesisyon sa pagbuo ng panibagong Saligang Batas at ang tanging magagawa ng ehekutibo ay magsumite ng kanilang rekomendasyon.
Dagdag pa ni Roque, “We have a supermajority in the House. I think, at least in the House, it will be very persuasive. We’re hoping to be equally persuasive in the Senate”.
Kanina ay inaprubahan na ng 22-member panel ng Consultative Commission ang kanilang draft para sa magiging laman ng panukalang amyenda sa Saligang Batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.