Mga nahuli ordinance violators sa Metro Manila, higit 28,000 na

By Jan Escosio July 03, 2018 - 01:30 PM

Inquirer file photo

Sa mahigit na dalawang linggo na pagpapatupad ng anti-tambay campaign sa Metro Manila, umabot na sa 28,000 ang naaresto.

Sa datos mula sa NCRPO mula Hunyo 13 hanggang kaninang madaling araw, 8,308 o 30 porsiyento sa mga hinuli ay lumabag sa smoking ban.

May 6,547 o 23.31 percent ay lumabag sa iba pang mga ordinansa.

Ang mga menor de edad na lumabag sa curfew hours ay 4,963.

Nasa 4,150 naman ang half naked o walang damit pang-itaas.

At 4,139 ang hinuli dahil sa pag-iinuman sa kalsada.

Sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila, ang Eastern Police District ang may pinakamalaking bilang na nahuli sa bilang na 11,937, kasunod ng Southen Police District at pangatlo ang Quezon City Police District.

Sinimulan ang anti-tambay campaign sa utos na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: epd, NCRPO, ordinance violators, SPD, epd, NCRPO, ordinance violators, SPD

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.