Batangas, niyanig ng magnitude 5.2 na lindol; Pagyanig, naramdaman sa Metro Manila
(Updated) Tumama ang magnitude 5.2 na lindol sa Batangas, araw ng Martes.
Batay sa inilabas na earthquake information no. 3 ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 27 kilometers South ng Nasugbu dakong 12:25 ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 118 kilometers.
Dahil sa pagyanig, naramdaman ang Intensity IV sa Lubang at Abra de Ilog, Occidental Mindoro
Habang Intensity III sa Batangas partikular sa Balayan, Tuy, Talisay, at Calatagan,; Quezon City, Clark sa Pampanga, Mandaluyong City, Puerto Galera sa Oriental Mindoro, Looc at Mamburao sa Occidental Mindoro, Tanza at Maragondon sa Cavite, Makati City at Pasay City.
Naitala naman ang Intensity II sa Manila City; Plaridel, Obando at Malolos sa Bulacan at Parañaque City.
Maliban dito, naramdaman din ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III:
– Malolos, Bulacan
– Calatagan, Batangas
– Tagaytay City
Intensity II:
– Marikina City
– Navotas City
– San Ildefonso, Bulacan
– Talisay, Batangas
Intensity I:
– Las Piñas
– Pasig City
– Quezon City
– Bacoor, Cavite
– Cabanatuan, Nueva Ecija
– Guagua, Pampanga
Sa ngayon, walang napaulat na nasirang ari-arian.
Gayunman sinabi ng Phivolcs na inaasahan pa rin ang aftershocks matapos ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.