Vanuatu niyanig ng Magnitude 7.1 na lindol

By Dona Dominguez-Cargullo October 21, 2015 - 07:11 AM

Map VanuatuNiyanig ng malakas na magnitude 7.1 na lindol ang bansang Vanuatu na nasa South Pacific Ocean at bahagi Oceania.

Tumama ang lindol sa 35 kilometers Northeast ng Port-Olry sa Vanuatu na unang nasukat sa magnitude 7.3 pero kalaunan ay ibinaba ng USGS sa magnitude 7.1.

Naganap ang lindol bago mag-alas 6:00 ng umaga oras dito sa Pilipinas.

Agad namang pinawi ng Phivolcs ang pangampa na maapektuhan ng tsunami ang bansa dahil sa malakas na pagyanig.

Sa abiso ng Phivolcs, walang desctuctive at pacific-wide na banta ng tsunami matapos ang lindol.

Ang Vanuatu ay binubuo ng aabot sa 80 isla na tanyag sa scuba diving, coral reefs, at mga underwater attractions.

Isa sa mga underwater attraction sa Vanuatu ang wreckage ng SS President Coolodge na ginamit noong World Waw II.

Isa rin sa dinarayo ng mga turista sa Vanuatu ang bulkan na Mt. Yasur.

TAGS: Mag7.1quakehitsVanuatu, Mag7.1quakehitsVanuatu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.