Sa palengke sa Cainta Rizal naman nagtungo ngayong araw si Vice President Jejomar Binay.
Kasama ni Binay na nagpunta sa Cainta Public Market ang anak na si Senator Nancy Binay kung saan namahagi sila ng mga school supplies.
Namigay ang mag-amang Binay sa mga bata sa Cainta ang kulay asul na bag na may nakasulat sa harap na “Serbisyong Binay, Serbisyong Tunay” at may laman na mga basic na school supplies.
Noong Miyerkules, ang mga palengke sa Antipolo, Rodriguez at San Mateo Rizal ang pinuntahan ng Bise Presidente. Sa nasabing mga bayan, namahagi naman si Binay ng libreng wheelchairs. May mga ipinamigay ding T-shirts ang mga supporters ni Binay na may nakasulat na “Kay Binay, gaganda ang Buhay”
Sa kabila ng tila pangangampanya na ni Binay, iginiit nitong hindi bahagi ng kampanya ang kaniyang pag-iikot sa mga bayan sa lalawigan ng Rizal.
Ayon kay Binay, ang kaniyang ginagawa ay bahagi ng kaniyang official duty bilang Bise Presidente.
Samantala, sa panayam kay Binay sa Cainta, sinabi nitong wala na siyang balak na umatras sa kaniyang planong tumakbo sa pagka-Pangulo sa 2016 elections./ Dona Dominguez – Cargullo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.