Dismayado ang Palasyo ng Malakanyang sa naganap na away ng Gilas Pilipinas at Australia Lunes ng gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, unfortunate ang nasabing insidente.
Sa ngayon, mas makabubuting hintayin at tanggapin na lamang ang anumang magiging desisyon ng FIBA.
Sinabi pa ni Roque na hindi na dapat pang nauwi sa mabigat na sitwasyon ang laro kung sa simula pa lamang na nagkaroon na ng paniniko ang isang player ay inawat na ito at tinawagan ng foul ng referee.
Sinabi pa ni Roque na aminado naman ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas na naging matindi ang kanilang emosyon at reaksyon sa laro kagabi.
Ayon kay Roque, umaasa ang Palasyo na hindi na mauulit ang naturang away sa isang laro ng basketball sa Pilipinas.
Ito aniya ang kauna unang pagkakataon na may nangyaring gulo sa laro ng basketball sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.