Arestado ang isang barangay chairman matapos mahulihan ng P1 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Tanay, Rizal.
Batay sa ulat ng Calabarzon police, tinaguriang “high value target” ang suspek na si Angelito Pranada, chairman ng Barangay Daraitan.
Ikinasa ang operasyon sa bisa ng search warrant bandang 7:00, Lunes ng umaga.
Dahil dito, nakuha ng pulisya ang dalawang plastic bag na naglalaman ng halos 200 gramo ng hinihinalang shabu, hand grenade at ilang bala.
MOST READ
LATEST STORIES