NCRPO: War on drugs malaking tulong sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila
Inihayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na malaking tulong ang anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila.
Sa datos ng NCRPO, bumaba ng 25% ang crime rate sa unang anim na buwan ng 2018 matapos maaresto ang 48,886 na hinihinalang drug users at pushers at pagsuko ng 233,896 drug surrenderees sa Oplan Tokhang.
Sa inilabas na pahayag nito, kapansin-pansin anila ang pagbaba ng bilang ng mga drug user sa kalye hanggang sa pagbaba ng mga krimen.
Dagdag pa nito, posible kasing napipilitang magnakaw ang mga drug suspect para makabili ng droga kung saan nahahantong pa sa pagpatay sa kanilang mga biktima.
Maliban sa war on drugs campaign, binanggit din ng NCRPO ang presenya ng pulisya sa mga lansangan at istriktong pagpapatupad ng iba’t ibang ordinansa ng mga lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.