Higit 200 nahuli ng SPD sa anti-tambay campaign

By Jan Escosio July 03, 2018 - 11:15 AM

Umabot sa 229 ang nahuli ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) sa magdamag nilang pagpapatupad ng mga ordinansa.

Sa naturang bilang, marami pa rin ang mga menor de edad na lumabag sa curfew hours sa bilang na 122.

May 45 na hinuli dahil sa paglalasing sa kalsada at 44 naman ang naaktuhang naninigarilyo sa pampublikong lugar.

Labing pito ang half naked o walang suot na damit pang itaas.

Samantalang may isa na inaresto dahil sa pag-ihi sa pampublikong lugar.

TAGS: anti-tambay campaign, curfew hours, half naked, menor de edad, nagiinom, SPD, tambay, anti-tambay campaign, curfew hours, half naked, menor de edad, nagiinom, SPD, tambay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.