Bagyong Lando, humina pa at isa na lamang tropical depression
Humina pa ang bagyong Lando habang tinatahak nito ang Balintang Channel.
Ang Tropical depression Lando ay huling namataan sa layong 60 kilometers north ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers kada oras. Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa direksyong Northeast.
Sa ngayon nakataas pa rin ang public storm warning signal number 1 sa Ilocos Norte, Apayao, Batanes at Cagayan kasama na ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
Simula bukas, Huwebes hanggang sa Linggo ay mananatili ito sa bahagi ng Itbayat, Batanes.
Bagaman palayo na, magdudulot pa rin ang bagyong Lando ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na hangin sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal number 1.
Ayon sa PAGASA, ang amihan na pumapasok sa bagyong Lando ang nakakapagpahina dito.
Una nang sinabi ng PAGASA na maaring maging isang Low Pressure Area na lamang ang bagyo bago ito makalabas ng Philippine Area of Responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.