Otopsiya sa mga labi ni Tanauan City Mayor Halili tapos na

By Jimmy Tamayo July 03, 2018 - 09:59 AM

Natapos na otopsiya sa mga labi ni Tanauan City Mayor Antonio C. Halili.

Si Halili ay tinamaan ng bala ng baril sa kanyang dibdib at base sa pagsusuri ay napuruhan ang puso nito.

Ang mga “fragments” naman ng hindi pa tinutukoy na uri ng bala ang nakapinsala sa “internal organs” ng alkalde.

Samantala, ang mga labi ni Mayor Halili ay dinala na sa kanyang bahay sa Barangay Sambat kung saan papayagan ang public viewing simula pa kaninang alas-8:00 ng umaga.

Si Mayor Halili ay binaril ng sniper Lunes (July 2) ng umaga habang dumadalo sa flag raising ceremony sa ground ng bagong city hall.

Sa pagtaya ng pulisya, may 200 metro ang layo ng sniper na nagkubli sa isang talahiban.

Ayon kay Chief Superintendent Edward Caranza, director ng PNP Southern Tagalog, nakadapa ang gunman base sa “clearing” sa damuhan na nasa hilagang bahagi ng city hall.

Aniya, patuloy nilang inaalam ang iba pang motibo sa pamamaslang sa alkalde.

TAGS: Mayor Tony Halili, napuruhan ang puso, pagkamatay., tama sa dibdib, tanauan batangas, Mayor Tony Halili, napuruhan ang puso, pagkamatay., tama sa dibdib, tanauan batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.