Halaga ng mga produktong petrolyo, muli na namang tataas ngayong araw

By Justinne Punsalang July 03, 2018 - 04:54 AM

Kasado na ang panibagong pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo ngayong araw.

Sa abiso ng mga oil companies, madaragdagan ng P0.55 ang presyo ng kada litro ng diesel, P0.65 sa bawat litro ng gasolina, at P0.70 naman sa kada litro ng kerosene o gaas.

Kabilang sa mga nag-anunsyo ng dagdag-singil ang mga kumpanyang Caltex, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, Shell, at Unioil.

Epektibo ang naturang pagtataas sa halaga ng mga produktong petrolyo mamayang alas-6 ng umaga.

Dahil pa rin sa malikot na galaw ng krudo sa pandaigdigang merkado ang dagdag-singil sa presyo ng mga produktong petrolyo.

TAGS: oil price hike, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.