Mahigit P1M halaga ng shabu, nasabat sa Pasig City
Pitong sachet ng hinihinalang shabu na mayroong bigat na 200 gramo at halagang P1.36 milyon ang narekober ng mga otoridad matapos magkasa ng buy bust operation sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.
Naaresto sa operasyon ang suspek na si Haimen Rangaig.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ang naturang operasyon ay bunga ng naunang buy bust na isinagawa noong June 11 sa kaparehong lugar kung saan P680,000 naman ng shabu ang narekober.
Ibinulgar umano ng mga naarestong suspek noong June 11 operation si Rangaig bilang kanilang supplier.
Ayon pa kay Eleazar, napag-alaman na si Rangaig ay isang miyembro ng Juharey Buratong drug syndicate na nag-ooperate sa mga lungsod ng Pasig at Maynila.
Ginagamit umano ng nasabing suspek ang alyas na Juharey Mauyab upang hindi madaling matunton ng mga otoridad.
Mahaharap si Rangaig sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.