Pork barrel, dapat nang tuluyang tanggalin ayon kay Sen. Lacson
Igiiniit ni Senador Ping Lascon na dapat nang tuluyang alisin ang pork barrel ng mga mambabatas.
Ito aniya ang kailangang gawin ng administrasyong Duterte upang hindi mawaldas ang pera ng taumbayan.
Ayon kay Lacson, dapat ay gamitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang impluwensya sa mga mambabatas para sumunod sa kasalukuyang jurisprudence na nagbabawal sa pork barrel.
Aniya, mayroon pa ring ilang mga mambabatas ang mayroon nine-figure insertion sa nakalipas na dalawang taon sa ilalim ng Duterte administration.
Ipinunto ni Lacson ang ilang pork barrel appropriations sa ilalim ng General Appropriations Act of 2016-2017 at 2017-2018.
Samantala, itinanggi naman nina Senadora Loren Legarda at Representative Karlo Nograles na silang chairman ng Finance at Appropriations Committee na walang nakalaan na pondo para sa pork barrel sa ilalim ng national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.