Pangulong Duterte, iginiit na huwag gamitin ang Diyos sa pagbatikos sa kanya

Ibinabala ni Pangulong Duterte sa kanyang mga kritiko mula sa religuious sector nna huwag gamitin ang Diyos kapag siya binabatikos ng mga ito sa kanyang mga nagiging pahayag sa publiko.

Aniya, huwag isali ng mga ito ang Diyos sa pagbatikos sa kanya.

Ayon sa pangulo, kanya ring gagamitin sa pagsagot ang Diyos ng nangbabatikos sa kanya dahil ginamit ito.

Ang mga pahayag ng pangulo ay kasunod ng kanyang pangako na mananahimik para mapabuti ang ugnayan nito sa Simbahang Katolika at iba pang mga Christian groups.

Una dito, ay bumuo na si Duterte ng four-man committee na siyang makikipagdayalogo sa mga religious groups.

Read more...