Maynila, ipinasa ang ordinansa laban sa catcalling at iba pang uri ng sexual harassment

By Rod Lagusad July 03, 2018 - 05:00 AM

Ipinasa ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang ordinnansang nagbabawala sa catcalling at ibang pang uri ng sexual harassment sa lungsod.

Maaring idulog ang mga reklamo kaugnay nito sa City’s Prosecutor Office.

May parusang isa hanggang sa 15 araw na pagkakakulong o multang mula P200 hanggang P1000 o pareho ang nasabing ordinansa

Bukod sa catcalling ay ipinagbabawala din ang pagsipol, ang malisosyong pagtingin, ang hindi pagtigil o pangungulit para sa pangalan o contact details matapos una itong tanggihan, pagmumura at ang patuloy na pagsasabi ng mga malilisosyong biro.

Makukulong naman mula isang buwan hanggang tatlong buwan at maaring pagmultahin mula P1,000 hanggang P3,000 ang mga mahuhuling gagawa ng mga offensive body gestures na may epekto ng pangha-harass, pagbabanta o ang pagpapakita ng mga sensitbong bahagi ng katawan para sa sexual gratification.

Kapag muli namang nahuli ang isang tao dahil sa muling paggawa ng mga ito ay pagmumultahin mula P3,000 hanggang P5,000 o pagkakakulong mula tatlong buwan hanggang anim na buwan o pareho.

TAGS: catcalling, Maynila, ordinansa, catcalling, Maynila, ordinansa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.