DILG: PNP prayoridad ang imbestigasyon sa Halili case
Sa kanyang direktiba, inatasan ng opisyal si Calabarzon Police Director CSupt. Eduaro Carranza na tingnan ang lahat ng mga posibleng anggulo o motibo sa nasabing krimen.
Kasabay nito ay tiniyak ni Año na sisikapin nilang mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Halili.
Kanina ay bumuo na ng isang task group ang PNP para imbestigahan ang pamamaslang.
Si Justice Sec. Menardo Guevarra ay nagsabi na bumuo na rin ang National Bureau of Investigation ng isang grupo na tutulong sa gagawing imbestigasyon.
Bagaman business as usual sa loob ng Tanuan City Hall, kapuna-puna naman na naging malungkot at matamlay ang mood maghapon sa iba’t ibang mga tanggapan doon.
Ilalagak sa kanilang tahanan ang mga labi ng pinaslang na alkalde.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.