Nanumpa na bilang kapalit ng pinaslang na si Mayor Tony Halili si Tanauan City Vice Mayor Jhoanna Corona-Villamor.
Ayon kay Villamor, nanumpa siya kay Batangas Governor Hermilando Mandanas sa isang simpleng seremonya sa isang hindi tinukoy na lugar sa Tanauan City.
Ito ayon sa kanya ay matapos makipag-usap sa kaniya ang kinatawan ng Department of Interior and Local Government para sabihing dapat siyang pumalit sa puwesto ni Halili.
Paliwanag anya ng DILG, hindi dapat magkaroon ng vacuum sa pamunuan ng lungsod.
Sa ilalim ng election code kapag naging incapacited o nasawi ang alkalde ang bise alkalde ang dapat pumalit.
Aakyat namn bilang kapalit ni Corona-Villamor ang number one councilor ng lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.