Brgy at SK officials hinamon na patunayan na karapat-dapat sila sa pwesto

By Chona Yu July 02, 2018 - 04:02 PM

Malacañang photo

Hinamon ng Malacañang ang 742,000 na bagong halal na barangay at sangguniang kabataan officials na maging karapat-dapat sa kanilang mga tungkulin.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, dapat magsilbing inspirasyon sa mga opisyal ang tiwala at mandato na ibinigay sa kanila ng taongbayan.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay malaki rin aniya ang tiwala na makatutuwang ang mga barangay officials para labanan ang kriminalidad, ilegal na droga korapsyon at iba pa.

Magugunitang sa mga nakalipas na talumpati ng pangulo ay hindi nito naiwasan na maglabas ng sama ng loob sa mga lokal na opisyal dahil sa kawalan ng pakikipagtulungan sa national government para bigyang solusyon ang mga problema ng bayan.

TAGS: barangay, duterte, go, sk officials, barangay, duterte, go, sk officials

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.