Duterte pinuna ni Lacson sa double standard na anti-corruption drive
Pinansin ni Senator Ping Lacson ang hindi pantay na pagpapatupad ng anti-corruption campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Lacson matapang magsalita si Pangulong Duterte ngunit hindi ito consistent o may double standard sa usapin ng kontra katiwalian.
Inihalimbawa ng senador ang pagtanggal ng ilang opisyal ngunit binibigyan lang din lang ng bagong puwesto.
Pagdidiin ni Lacson, kung magiging consistent lang ang punong ehekutibo ay paniniwalaan na ang kanyang sinasabi na galit siya sa mga tiwali at walang lugar ang mga ito sa kanyang administrasyon.
Ilan sa mga nabigyan ng bagong pwesto pero nauna nang inalis sa ibang posisyon ay sina Office of the Civil Defense Asst. Administrator Nicanor Faeldon at dating SSS Board member na ngayon ay Agriculture Asec. Pompee Laviña.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.