Pahayag na human rights calamity ang Duterte leadership inalmahan ng Malakanyang

By Chona Yu July 02, 2018 - 12:49 PM

Kalokohan ang pahayag ng New York-based Human Rights Watch na nauwi na sa human rights calamity ang dalawang taong pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, maaring nakakalimutan ng taong bayan na mayroong iba’t ibang klase ang karapatang pantao.

Katwiran ni Roque na isinusulong ng pangulo ang karapatang pantao sa Pilipinas.

Halimbawa na lamang aniya ang libreng tuition sa mga State Universities at Colleges (SUCs), libreng pagkain sa mga eskwelahan, libreng patubig sa mga sakahan, at iba pa.

Sinabi pa ni Roque na wala nang mas importante pa sa pangulo kundi ang itaguyod ang karapapatang pantao.

Pursigido aniya ang pangulo na itaguyod ang kampanya kontra sa ilegal na droga pati na ang pagtataguyod sa kalusugan at karapang mabuhay ng bawat Filipino.

TAGS: Harry Roque, New York-based Human Rights Watch, Rodrigo Duterte, Harry Roque, New York-based Human Rights Watch, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.