Halos 500 katao huli sa paglabag sa mga ordinansa sa Maynila

By Angellic Jordan July 02, 2018 - 11:51 AM

Aabot sa halos 500 ang nahuli ng Manila Police District (MPD) na lumabag sa iba’t ibang ordinansa sa Maynila.

Tinatayang 448 ang kabuuang bilang ng mga nahuli mula 5:00 ng umaga ng July 1 hanggang 5:00 ng umaga ng July 2.

Sa tala ng MPD, 85 sa bilang ay naaktuhang umiinom sa kalsada, 175 ang walang suot pang-itaas, 90 naman ang nagsisigarilyo habang 98 ang lumabas sa iba pang ordinansa ng lungsod.

Ipinag-utos ng MPD ang patuloy na pagpapaigting ng Anti-Criminality operations para sa kaligtasan ng publiko sa lugar.

 

TAGS: local ordinances, Manila Police District, Radyo Inquirer, local ordinances, Manila Police District, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.