Malakanyang kinondena ang pagpatay kay Tanauan City Mayor Halili
Mariing kinondena ng Malakanyang ang pamamaril at pagpatay kay Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili sa harapan ng munisipyo habang dumadalo sa flag raising ceremony.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nakikiramay ang Malakanyang sa pamilyang naiwan ni Halili.
Ayon kay Roque malaking kawalan si Halili sa kampanya sa ilegal na drioga at kriminalidad.
Tiniyak pa ng kalihim na bibigyan ng katarungan ng pamahalaan ang pagkakakapaslang kay Halili.
Tumanggi naman si Roque na sagutin ang tanong hinggil sa pagkakasama ng alkalde sa mga pulitikong nasa narco-list ni Pangulong Duterte sa kabila ng kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Ani Roque mas mabuting saka na lang pag-usapan ang pagkakasama sa narco-list ni Halili dahil mas importante sa ngayon ang pakikiramay sa kaniyang pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.