Special task group binuo para tutukan ang pagpatay kay Mayor Antonio Halili
Bumuo na ng special task group ang Police Regional Office 4-A o CALABARZON Police para matutukan ang kaso ng pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.
Kinumpirma ni Supt. Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng PNP CALABARZON ang pagbuo ng nasabing task group.
Sa inisyal na imbestigasyon, bala ng M14 ang tumapos sa buhay ng alkalde.
Sa dibdib ang tama nito at posibleng sniper ang bumaril sa kaniya habang siya ay dumadalo sa flag raising ceremony sa Tanauan City Hall.
Alas 8:45 ng umaga nang ideklarang dead on arrival ang alkalde sa CP Reyes Hospital.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.