BREAKING: Tanauan City Mayor Antonio Halili patay sa pananambang

UPDATE: Patay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang salarin si Tanauan City, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ayon kay dating Batangas 3rd District Board Member Rudy Balba, idineklarang dead on arrival si C.P. Reyes Hospital si Halili matapos magtamo ng tama ng bala sa kaniyang dibdib nang barilin ng sniper habang siya ay dumadalo sa flag raising ceremony.

Ayon kay Supt. Renato Mercado, hepe ng Tanauan City PNP , nakatayo ang alkalde sa harap ng kanilang City Hall kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod nang barilin ng sniper.

Wala naman aniyang natatanggap na banta sa kanyang buhay si Halili.

Sa FB post ni Gerry Laresma, PIO ng Tanauan City bago pa matapos ang flag-raising ceremony na dinadaluhan ni Mayor Halili ay isang putok ng baril ang nadinig at nagsimula nang magkagulo ang mga tao.

Nagkataong naka-FB live noon si Laresma para ipakita ang nagaganap na flag-raising.

Si Mayor Halili ay kontrobersiyal sa shame campaign nito sa mga naaarestong sangkot sa ilegal na droga sa nasasakupang lungsod.

Ipinaparada ni Halili ang mga naaarestong drug suspects na mayroong nakasabit sa kanilang katawan na mga katagang “Ako’y Pusher, Huwag Tularan”.

Sa kabila ng kampanya ay nakasama din si Halili sa listahan ng mga lokal na opisyal na sinasabing sangkot sa kalakaran ng ilegal na droga.

Read more...