Thunderstorm advisory, itinaas ng PAGASA sa Zambales at Cavite

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 02, 2018 - 06:45 AM

Credit: PAGASA

Nakataas ang thunderstorm advisory sa lalawigan ng Zambales at Cavite.

Ayon sa abiso na inilabas ng PAGASA alas 6:12 ng umaga, malakas na buhos ng ulan na mayroong kaakibat na pagkulog, pagkidlat at malakas na hanging ang mararanasan sa dalawang lalawigan sa susunod na dalawang oras.

Ang parehong sitwasyon ng panahon ay nararanasan naman na sa mga bayan ng Morong, Bagac at Limay sa Bataan.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga apektadong residente na mag-ingat sa posibleng pagbaha na maidudulot ng pag-ulan.

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.