US at North Korean officials nagpulong sa demilitarized zone

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 02, 2018 - 06:38 AM

AP Photo

Nagpulong sa demilitarized zone sa border ng North at South Korea ang mga opisyal mula sa Estados Unidos at North Korea.

Ito ay para plantsahin ang mga natalakay sa summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un.

Ang team ng US ay pinangunahan ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim na kamakailan ay pinabalik ng US mula sa Pilipinas para pangunahan ang preparasyon sa nagdaang summit.

It ang unang pagkakataon na nagkaharap ang opisyal ng dalawang bansa matapos ang summit noong June 12.

Ayon kay US National security adviser John Bolton, sa susunod na mga araw, makikipag-usap si US Secretary of State Mike Pompeo sa North Korea para sa pagwasak sa kanilang nuclear weapons.

Ani Bolton, kung magkakasundo, posibleng gawin ang pagwasak sa mga nuclear programs sa loob n gisang taon.

At kung tuluyan nang mawawala ang nuclear weapons ng NoKor, magreresulta naman ito sa pagbawi sa mga sanctions na ipinataw sa kanila ng Amerika.

TAGS: donald trump, Kim Jong un, United States North korea, donald trump, Kim Jong un, United States North korea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.