Habagat magpapaulan sa Western Visayas at western section ng Luzon ngayong araw

Patuloy ang paglayo ng Bagyong Florita na may international name nang ‘Prapiroon’ sa bansa.

Batay sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 825 kilometro, Hilagang-Silangan ng extreme northern Luzon.

Gayunman, makakaapekto ang habagat sa Western Visayas at western section ng Luzon sa araw na ito ayon sa weather bureau.

Mararanasan ang maulap na kalangitan na may pag-ulan sa Zambales, Bataan, Palawan, Mindoro, Romblon at Western Visayas dahil sa habagat.

Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar dahil sa pag-ulan paminsan-minsan ay magiging malakas.

Ang Metro Manila naman at ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan at pulo-pulong pag-ulan dulot lamang ng localized thunderstorms.

Read more...