TESDA sa mga tambay: ‘Halina sa TESDA at magsanay!’

By Rhommel Balasbas July 02, 2018 - 04:54 AM

Hinihikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga tambay na sumailalim sa libreng skills training.

Ito ay sa gitna nang maigting na crackdown laban sa mga tambay.

Mensahe ni TESDA Director General Guiling Mamondiong sa mga tambay, bumisita sa TESDA at magsanay nang sa gayon ay makapagtrabaho ang mga ito o hindi kaya ay makapagsimula ng negosyo.

Sinabi ni Mamondiong na maraming scholarship programs ang available sa TESDA sa ilalim ng Private Education Financial Assistance (PEFA), Training for Work Scholarship Program (TWSP), Special Training for Employment Program (STEP) at Technical and Vocational Education and Training (TVET).

Ang libreng mga pagsasanay na ito ay maaaring i-avail ng sa pamamagitan ng Walk-In, On-Line at Barangay-based Scholarhip Applications.

Ang mga interesado ay maaaring makapamili sa higit 200 programs kabilang na ang construction, automotive, information and communication technology at iba pa.

Malaking tulong din ang pagsasanay lalo pa’t kailangan ng gobyerno ng nasa 200,000 construction workers sa ilalim ng major infrastructure program ng Duterte administration na ‘Build, Build, Build.’

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.