Duterte hindi susuportahan ang anumang pagkilos na magpapalawig sa kanyang termino – Palasyo

By Rhommel Balasbas July 02, 2018 - 04:00 AM

Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang kanyang anim na taong termino at hindi susuportahan ang anumang panukala at pagkilos para rito ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Sa isang pahayag, sinabi ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na sa ikalawang taon ng presidente sa pwesto ay mananatili lamang itong nakatuon sa naging bunga ng pagsisikap para labanan ang korapsyon at kahirapan.

Ayon kay Go, nais ng pangulo ang isang malinis na pamahalaan at walang bahid ng korapsyon at napatunayan na umano ng pangulo ang sarili rito sa pamamagitan ng pagsibak sa mga opisyal na mismong siya ang nagtalaga sa pwesto.

“We don’t have ambitions of clinging to power, neither will we push for laws that would result to such,” ayon kay Go.

“The President will always want a clean and graft-free government and he has proven this many times by firing officials he appointed,” dagdag pa ng opisyal.

Matatandaang makailang ulit ding sinabi ni Duterte na hindi niya ring gustong mapatagal pa ang pananatili sa pwesto dahil siya ay matanda at pagod na.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Go ang mga nakamit ni Duterte simula nang maluklok sa pagkapresidente noong 2016 kabilang na ang paglagda at pagpapatupad sa maraming proyekto sa imprastraktura, social welfare, kalusugan, edukasyon at iba pa.

Patunay lamang anya ito kung ano ang gusto ng pangulo para sa bansa at sa kanyang mga mamamayan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.