Transwoman itinanghal bilang Miss Universe Spain

By Justinne Punsalang July 02, 2018 - 12:15 AM

Bago pa man matapos ang Pride Month nitong kalilipas lamang na Hunyo ay humabol ang isang transwoman sa paggawa ng kasaysayan.

Ito ay matapos itanghal bilang Miss Universe Spain 2018 si Angela Ponce na isang transwoman. Naganap ang coronation night Biyernes ng gabi sa Spain sa Palau Firal I de Congressos de Tarragona.

Si Angela ang kauna-unahang transwoman na lalaban para sa Miss Universe 2018 at umaasa ang marami na hindi ito kokontrahin ng Miss Universe Organization.

2014 nang matapos ang transition ni Angela at taong 2015 nang unang sumali siya sa Miss World Spain ngunit hindi ito pinalad manalo.

Sa isang panayam, sinabi ni Angela na bata pa lamang siya ay sinusuportahan na siya ng kanyang magulang. Mismong ang kanyang ama pa aniya ang nakikipaglaro sa kanya ng manyika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.