Ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP) na inilabas kahapon, Linggo, July 1, bumaba nang 25 percent ang eight focus crimes ng pambansang pulisya mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2017.
Bumaba ang incidence rate ng mga kaso ng pagpatay ng 54 percent o 381 na kaso mula sa 832 noong Enero hanggang Hunyo taong 2017.
Ang mga kaso naman ng homicide ay nabawasan din nang 45 percent sa 134 mula sa 242; ang kaso ng physical injury ay nabasawan nang 28 percent habang ang kaso ng rape o pangmomolestya ay nabawasan nang 11 percent.
Ang kaso naman ng crimes against persons o mga kasong tulad ng robbery, theft cases at carnapping ay bumaba nang 32 percent.
Ang robbery cases ay bumaba nang 16 percent mula sa 1,512 noong nakarang taon sa 1,266 sa nakalipas na anim na buwan.
Gayunman, bagaman bumaba ang kabuuang bilang ng crime against persons ay tumaas ang kaso ng carnapping ng 8 percent mula sa 77 sa 83 ngayong taon.
Sa kabuuan, bumaba rin nang 20 percent ang crime against property ayon sa PNP.
Kung pagbabasehan naman ay ang 2-year period o mula July 2014 hanggang June 2016 at July 2016 hanggang June 2018, lumobo ng 112 percent ang kaso ng murder sa 1,621 sa 3,435.
Sa kabuuan naman, bumaba nang 49 percent ang incidence rate ng eight focus crimes ng PNP kumpara sa naitala noong July 2014 hanggang June 2016.