48 patay matapos mahulog ang isang bus sa India

AP photo

Hindi bababa sa 48 katao ang patay matapos mahulog ang isang overcrowded na bus sa Northern India.

Ayon kay Uttarakhand Chief Minister state Trivendra Rawat, nahulog ang bus sa Himalayan foothills sa lalim na 213 meters.

Dahil dito, 12 katao naman ang nasugatan at itinakbo sa pinakamalapit na pagamutan. Pito sa mga bilang ay nasa kritikal na kondisyon.

Inihalintulad ni police officer Jagat Ram sa sardinas ang lagay ng 60 pasahero sa 28-seater bus.

Naantala naman ang rescue operation sa lugar bunsod ng nararanasang sama ng panahon.

Sa ngayon, sinabi rin ng mga opisyal na hindi pa malinaw ang naging sanhi ng aksidente maliban sa pagkahulog ng bus dahil sa madulas na kalsada.

Read more...