Tumama ang magnitude 3 na lindol sa Aurora, Linggo ng gabi.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 15 kilometers South ng bayan ng Dilasag.
Niyanig ang naturang lugar dakong 5:41 ng hapon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 17 kilometers.
Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks bunsod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.