Tropical storm Florita, nakalabas na ng PAR

Credit: PAGASA

Nakalabas na ang Tropical Storm Florita sa Philippine Area of Responsibility (PAR), Linggo ng hapon.

Batay sa 5pm severe weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 725 kilometers northeast ng Basco, Batanes.

May lakas rin ang bagyo ng hanging aabot sa 90 kilometers per hour (kph) at pagbugsong 115 kph.

Tinatahak ng bagyo ang direksyong pa-hilaga sa bilis na 17 kph.

Gayunman, makararanas pa rin ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms sa Palawan, Mindoro provinces, Romblon at Western Visayas dulot ng southwest monsoon.

Inabisuhan naman ang mga residente sa mga nasabing lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslide.

Read more...