Nakatakdang isagawa ng Department of Transportation (DOTr) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang inagurasyon ng bagong passenger terminal building ng Maasin Airport sa Southern Leyte.
Pangungunahan ang seremonya ng inagurasyon nina DOTr Secratry Arthur Tugade, DOTr Undersecretary for Aviation and Airports Capt. Manuel Antonio Tamayo at CAAP director general Capt. Jim Sydiongco.
Kayang maserbisyuhan ng bagong terminal ang 300 pasahero kada araw o 100,000 katao taun-taon.
Pinagbasehan ang laki ng terminal sa 36 ektaryang laki ng airport na may 1.3 kilometrong runway.
Samantala, tuloy pa rin ang pagsasaayos ng naturang terminal dahil hanggang ngayon. wala pa itong air control tower at fire station building.
Sa taong 2022, inaasahan namang mapapahaba na ang runway nito nang dalawang kilometro at magkakaroon din ng night runway lights para sa mas malalaking commercial aircraft.
Matatandaang sinimulan ang pagtatayo ng terminal noong 2005.